Posts from the ‘Uncategorized’ Category

PARTY! PARTY! :D

Woooo!! 19 years young na ako!!! wahahahaha!! Another year of trials and challenges nanaman to para sakin. Ipinagdiwang ko ang aking 19th birthday nung October 11, 2010. Kainan, Tawanan at Kulitan ang ginawa ko kasama ang aking mga barkada. Bago nag simula ang party, eh sinundo ko muna ung dalawa kong barkada. Dalawang barkada lang ang sinundo ko pero sa kapatid ko, isang classroom O_O. Yung ibang kaklase ng kapatid ko eh, naghanap ng ibang masasakyan kasi di na kami kasya sa van. Habang kami ay pauwi na ng bahay, tawanan at halakhakan ang naririnig namin sa loob ng van. Grabe, ang ingay nila. Habang nag-tatawanan ang kaklase ng kapatid ko, iniisip ko naman kung anong oras darating barkada ko. Malapit na sumapit ang dilim eh, tapos wala pa sila. Nag-alala tuloy ako kung may darating ba o wala. xD Naisipan kong mag online nalang muna sa facebook at mag reply sa mga birthday greetings sa wall ko. Ang daming nag greet. Matapos kong mareplyan ang lahat, dumating na rin ung mga kabarkada ko. Kamustahan dito, kamustahan doon. Ilang buwan na rin kasi kami hindi nag-kikita ng mga kabarkada ko. Kumpleto ang barkada nung dumating sila sa bahay, anjan si Mr. President (Marvin), si Mr. Mayaman (Edel), si Dota God (Abba), si Mr Long legs (James), si GoomLa (James M.), at Si Abner/BILATRA (Robbie V.) ay wala pala si BESTFRIEND Gino BABOY :(. Parang reunion na rin namin un kasi andun rin si Tagteam. (Marah) Kulitan dito, kulitan doon ang drama ng barkada. Matapos ang ilang oras, eh dumating na sila Kuya Euge at si Josh, nauna pala sa kanila si Paul kasi busy daw ang drama ng dalawa. May practice daw kasi sa sayaw si Josh at nag dadalawang isip namang pumunta si Kuya Euge kasi wala pa daw ung kapalit nya na bantay sa shop nila. Pero, pumunta parin ang dalawang bruha. Im so tats. :)) Agad ko naman silang dinala sa lamesa dun sa likod para naman may maupuan kami. Nung naka upo na kami sa lamesa eh panay kulitan parin. Kainan dito, kainan doon. Si Marah lang kasi malakas kumain sa grupo. Muntik nyang maubos yung isang pyrex ng maja blanca. deym. Matapos ang ilang kwentuhan at chismisan, nagsi-uwian na ung ibang kabarkada ko, nagpaiwan din ung iba. Actually tatlo nalang sila naiwan sa bahay. Si kuya Euge, si Paul at si Josh to be exact. Wala na rin pala tao sa taas (teritoryo kasi ng kapatid ko ang 2nd floor ng bahay) kaya napagpasyahan naming umakyat doon and tumambay sandali. Sa sobrang tahimik ng sala eh nanood nalang kami ng DVD. Spartacus, isa yata sa pinaka violent at pinaka ladlaran na “TV series transformed into DVD” na napanood ko. May putulan ng kamay, putulan ng hita, putulan ng ulo at syempre ang pinaka-paborito na eksena ni kuya Euge at ni Paul eh ung mga HUBAD moments. Matapos ang DVD marathon, eh umuwi na rin silang tatlo. Matapos mahatid sa gate eh agad ako nag online para makausap si BABY ko :D. Pero bumalik pala sa bahay si Marx at si Robbie, ewan ko kung bakit bumalik pero pina-inom ko nalng sila ulit para mag enjoy. Lahat ng importanteng tao sa buhay ko ay andito, except lang sa isang tao na pinaka-importante para sakin. Kung pede ko lang languyin galing Davao hanggang Japan eh siguro ginawa ko na yun. Sa totoo lang eh namimiss ko na talaga yun eh. Kahit nag-uusap kami sa email at chat eh andun talaga ung pakiramdam na “SANA ANDITO KA SA TABI KO” feeling. Habang kinakausap ko siya, tinititigan ko rin yung litrato nya at iniisip ko na katabi ko sya sa mga oras na iyon. Kahit sa YM makulit parin. Pero makulit in a cute way. Nagpalitan kami ng good night matapos ang ilang oras na chikahan at lambingan ng baby ko. Nung pumasok ako sa kwarto eh di parin mabura sa labi ko ang napaka laking ngiti na nakaguhit dito. Di rin ako makatulog kasi kinikilig ako. Di ako makapag-hintay ng isa pang gabi na di xa makausap muli. Habang ako’y nakahiga eh iniisip ko parin baby ko. Niyakap ko nalng unan ko at inisip ko na siya yung unan na niyayakap ko. Matapos nun eh nakatulog na ako.

Well yun ang nangyari nung birthday ko…

UPDATE nlang ulit! 😀

Advertisements

yahoo!/yipee!/yehey!/huyess!

Yun ang reaksyon ko nung nakita ko ang resulta ng aking COMPLETE BLOOD COUNT.Gumanda nag resulta ng check-up! Ay blood count lang pala kasi wala si Doktora. Naging normal ang blood count ko! Pero ang tanong, magiging normal parin kaya to hanggang October 28? Di kasi namin nakausap si doktora kasi nag out of town. Pero I need to think positive kasi ako lang talaga ang makakatulong sa sarili ko. Di rin dapat mawala ang pag-alaga sa sarili, kasi kung mawawala yun, malamang, babalik nanaman sa pangit na condition ang dugo ko. Nung nasa ospital ako, iniisip ko nanaman kung ano kaya magiging resulta ng CBC. Iniisip ko kung maging OK kaya ako or hindi. Sabi ko sa sarili ko “Gagawin kong normal ang kondisyon ng dugo ko, at yun ang regalo ko sa sarili ko.” At ayun nga, nabigyan ko nga maagang ng regalo sarili ko. Ilang araw nalang at kaarawan ko na. Isang malaking achievement para sakin. Ang dami tuloy pumasok sa utak ko nung nakita ko yung resulta ng aking CBC. Naisip ko kung anong gagawin ko ngaung lunes. (October 11,2010) Nakita ko rin si ate na naging masaya sa resulta ng CBC. Di ko talaga mapaliwanag ang sayang naramdaman ko nung nakita ko resulta (Di halata noh?). Nung nakuha namin resulta eh agad kaming pumunta sa opisina ni doktora pero ayun nga, wala nga siya at sa 29 pa babalik. Agad naming tinawag ang aming driver (kuya Kolokoy) at nagpasundo. Nung sinundo kami, agad kami pumunta sa NCCC dun sa crossing matina para bumili ng PIRATED DVD’s ng twilight saga. Pagkatapos nun eh, kami’y umuwi agad. Nung pagkarating namin sa bahay, agad kami tinawag ni Mama.

Mama:”Dumating na raw ung package galing kay Erika”

Sumaya ako lalo nung narinig ko pangalan ni Erika,:”> agad kumain ng pananghalian si Mama at naligo. Pagkatapos eh agad na kaming pumunta sa opisina ni Papa. Tinanong namin kung ano ung EMS, kasi dun raw pinadala ung package, wala kasi kaming ideya kung saan ung EMS na yun. Tinanong namin kay Papa kung san ung EMS, eh sa kasamaang palad, di rin nya alam. Umakyat kami sa office at tinanong si Tita Beth kung san ung EMS (Mama ni labidabs). Eh matagal din makareply, naisip ko na nasa computer na rin kami na may internet, bat di nalng kaya natin gamitin ang internet? Agad kong hinanap sa Google ang EMS, at ayun! nakita ko, PhilPost lang pala, nung nakita namin ni Mama, eh agad kami pumunta dun sa Philippines Postal Office. Nung pagkarating namin dun, sarado pa ang opisina, hinintay namin ni Mama at Kuya Kolokoy bumukas ang opisina. Matapos ang ilang minuto, bumukas ang opisina. Di ganung karami ang tao na kumukuha ng package doon. Nung kami na kukuha ng package, may kulang pala kami dalhin. Wala akong ID. Kung walang ID dala, malamang di makukuha yung package. Ayaw din nila tumanggap ng lumang ID. Umuwi kami agad para makuha yung hinihingi ni tanda (yung lalakeng nagdidistribute ng packge). Dinala ko lahat ng ID ko at isang Student Permit License. Bago kami bumalik sa Post Office, dumaan muna ako sa isang fastfood chain para bumili ng pagkain. Kailangan ko raw kasi kumain kahit busog ako. Matapos bumili ng pagkain, binalikan namin agad ang Post Office para kunin ung package. Agad kong pinakita yung tatlong IDs ko at ung Student Permit License. Pinakita rin ni Mama ung passport nya. Akala ko rereact pa si tanda. Pinapa-sign lang pala ako. Humihingi ata ng autograph xD. Matapos kong lagdaan ang papel, nakuha namin yung dalawang parcels na pinadala ni labidabs :D. Nung nakuha namin ung package, hinatid namin si Mama sa parlor at bumalik nanaman kami ni Kuya Kolokoy sa opisina para hintayin si Mama. Nung nakabalik ako sa opisina ni Papa, tinanong nya ako agad kung nakuha ba raw namin ung package at kung ano raw laman. Sinagot ko naman rin si Papa ng opo (magalang noh =)) ). Matapos ang dalawang oras, nagpapasundo na si Mama sa parlor. Agad kami umalis para sunduin si Mama. Pagkatapos sunduin si Mama, bumalik kami agad sa opisina. Pagkaraing sa opisina, umuwi kami agad. Well yun lang nangyari sa check-up ko kahapon. Update nalng ulit siguro Monday or tuesday. Update ko kayo kung anong nangyari sa party ko. Eto na muna 🙂 baboosh 😀

Erika♥Mikee

Boring check-up -___-“

September 16,2010, bibisitahin ko nanaman si doktora para sa isang check-up. Nagising nanaman ako ng maaga para ihanda sarili ko sa check-up. Bago kami pumunta ni ate sa ospital eh, naligo muna ako. Malamang, sino bang tao ang hindi maliligo muna bago lumabas ng bahay, kadiri kaya yun. Matapos kong maligo, mag-sipilyo, mag-deodorant at kung ano pang ka-artehan eh agad na akong lumabas ng bahay para isuot sapatos ko kasi maiiwanan na ako ni Papa. Habang ako’y nasa kotse, iniisip ko sa sarili ko kung gumaganda na ba kondisyon ng katawan ko, pero nag-dadalawang isip talaga ako kasi parang may problema sa katawan ko pero wala naman akong nararamdaman na masama. Bago kami pumunta ng ospital eh hinatid muna namin si Papa sa kanyang opisina. Binigay samin ang CBC request para pwede akong kunan ng dugo. Matapos nun eh pumunta na kami agad sa ospital para sa Complete Blood Count, ALT, at Creatinine para sa aking kidney function. Pagkatapos nun eh agad kaming pumunta sa laboratory para sa aking blood extraction. Pagkatapos ng tatlong numerong tinawag, eh ako na pala sunod. Si ate Kathy ang kukuha ng dugo ko. Siya nanaman O_O siya nalang kasi kumukuha ng dugo ko lagi pag andun ako. Weird eh noh? parang personal Med-Tech. Tinanong niya ako kung kumusta na raw ako, sinagot ko lang naman din siya ng “OK lang po ako” napaka-laki kasi ng syringe na binunot nya sa ilalim. Di naman sa natatakot ako pero nabigla ako kasi ganun kadami ang kukunin niyang dugo sakin O_O. Matapos nyang lagyan nang hangin ung syringe, sinimulan na nyang pag-tusok sa aking machong braso. Napakadaming dugo nga ang nakuha sa aking braso. Nahalata kong malapot pa dugo ko kasi parang may namumuong bula mula sa loob ng syringe. Tatlong oras pa bago namin makuha ang resulta ng CBC, ALT, at Creatinine. Matapos nun ay tumambay nanaman kami ni ate sa opisina ni Papa. Habang kami’y nasa opisina, napag-pasyahan namin ni ate na magbasa nalang ng pahayagan para di mabagot sa loob ng opisina. Habang kami’y nag-babasa, narinig ko si Papa na inutusan ang pinsan ko para bumili ng Lumpia Shanghai at Pansit para sa aming pananghalian, pinagpasyahan kong sumama kasi wala talaga akong magawa sa loob ng opisina, agad kong kinuha ang aking sumbrero at naglakad palabas ng opisina. Grabe, di ko akalain na ganun pala kainit sa labas, pero andito na rin ako eh, ayoko nang bumalik, at least d ako mababagot dun sa opisina. Pag-dating namin dun sa restaurant eh agad naman inorder ng pinsan ko ung inutos sa kanya. Naupo kami sa lamesa malapit sa kahera. Habang naglalaro ako ng games sa cellphone ko eh bigla akong tinapik ng pinsan ko para tingnan ung bente na hawak nya. Ikinumpara namin ung bagong bente sa lumang bente, nahalata namin na mas maliit ung lumang bente. Di kaya peke un? =)) Eh sa sobrang talino ng pinsan ko eh kulang pala yung dala naming pera, kulang ng 80 pesos, agad naman siyang bumalik sa opisina at humingi ng kulang na pera. Matapos ng ilang minuto eh nakabalik na pinsan ko dala ang pera. Agad naming binayad sa kahera sabay labas agad sa kinatatayuan. Nung dumating kami sa opisina ni Papa eh nakita ko si ate na naka-upo sa harap ng lamesa ni Papa. Tinanong ko siya kung anong problema. Sinagot nya ako “nahulog ako sa upuan” wahahahaha!! Grabe laughtrip amp. Tinutukso ko si ate sa pagkahulog niya sa upuan kahit di ko nakita. Na-iimagine ko kasi kung ano itsura ng ate ko nung nahulog siya sa upuan. Wag na nga lang natin yun pag-usapan, pagalitan pa ako nun. Matapos ng tuksuhan namin ni ate, naisip niyang bumili ng DVD dun sa kabilang kanto. Ayaw pa nila ako isama kasi daw mainit sa labas, pero di ako nagpapigil at sumama talaga ako sa lakad. Nung kami ay naglalakad na, may bagay talaga na gumugulo sa isip ko sa mga oras na iyon. Di ko maintindihan kung ano meron sa isip ko. Siguro naiisip ko lang talaga ang nobya ko na nasa Japan. Talagang miss na miss ko na siya kasi hinahanap-hanap ko talaga ang yakap at halik niya. Balik sa DVD, narating na rin namin yung lugar kung saan binebenta ang mga pirated DVDs. Binili ni ate yung tatlong season ng GOSSIP GIRL, ano ba naman yan, hinding-hindi ko papanoorin yun kasi sa tingin ko eh pangit yung story ng series. Nung pabalik na kami sa opisina, eh naisip ko nanaman ang nobya ko, nararamdaman ko kasi dahil sa kanya eh nagkakaroon ng kabuluhan ang pag-laban ko sa sakit na leukemia. Alam ko rin na dahil sa kanya, malalampasan ko ‘tong pag-subok na to. Siya lang kasi ang taong nag-bibigay lakas sakin. Lagi niyang sinasabi sakin ang linyang “I’LL ALWAYS LOVE YOU” dahil dun lalo kong tinatanong sa sarili ko kung bakit ako susuko? eh meron naman taong nagbibigay halaga saken. Pag dating namin sa opisina, pinakain na kami agad ni Papa. Agad kaming kumain ng aming pananghalian. Matapos ang aming masarap na pananghalian, pumunta na kami agad sa ospital para kunin ang resulta ng aking mga test. Heto na, ang aking pinaka-hihintay na sandali. Pag dating namin sa laboratory eh agad naming binigay ung resibo para makuha ung resulta. Sa kasamaang palad eh TUMAAS nanaman, pero sabi ni doktora eh normal lang daw yun. Binago nanaman ni doktora ang schedules ng gamot ko. From Monday-Thursday 7 capsules a day ang schedule sa Friday-Sunday naman 6 capsules a day. Sana di tumagal ang maging normal na ako. Well, ito na muna 🙂 update nalng ulit.

Long Distance Relationships

Isa ito sa pinaka-mahirap na relasyon na pina-uso ng tao. Ewan ko ba kung bakit madaming couples ang sumasabak sa ganitong relasyon. Kaming dalawa ng ate ko ay kasama sa madaming tao na sumasabak sa isang LONG DISTANCE RELATIONSHIP. Ano nga ba ang kailangan para tumagal ang isang LDR? TIWALA at PAGMAMAHAL ang kailangan, kasi kahit gaano man kalayo yung minamahal mo, kahit isa kontinente pa ang pagitan nyo eh, parang d na rin yun malayo dahil kayo’y nagmamahalan sa isa’t-isa at ang pagmamahalan nyo ang tulay para maging isa ulit ang puso nyo. Pero di talaga mawawala sa atin ang pagka-miss ng ating minamahal. Nung una eh d ako sanay sa isang LDR kasi mabilis akong nakakamiss ng isang tao, lalo na kung ito’y importante sakin. Nasanay kasi ako na nasa isang siyudad lang kami ng girlfriend ko, pero ngayon, iba na. Buti pa si ate, kasi nakakapunta dito samin boyfriend nya. Taon-taong  pumupunta ang boyfriend ng ate ko samin para lang bisitahin si ate. napaka-laki ng effort na ginagawa ng boyfriend ng ate ko kasi nagtatrabaho pa sya para lang makabili ng plane ticket. Sana magagawa ko rin yan kaso d nga ako pwede magtrabaho at di rin ako pwede lumabas ng bansa mag-isa. Sa ngayon eh sa emails lang kami nag-uusap ng girlfriend ko. Kahit gaano man raw sya ka-busy eh naghahanap talaga sya ng oras para lang makareply sa emails ko. (sweet noh?) Sa ngayon eh hinhintay ko ang reply nya sa email kaya naman naisipan kong gumawa ng blog tungkol sa Long Distance Relationship. Mejo matagal kasi yun nakakareply sa mga emails ko kasi busy sya sa school works. Pero kahit matagal, eh kaya ko naman hintayin kasi alam ko kung gaano sya ka busy sa kanyang gawain(di lang ako ang prayoridad nya.).

Kung ako ang tatanungin nyo eh mas pipiliin kong tumagal sa isang Long Distance Relationship kesa sa malapitan na relasyon, kasi dahil sa layo nyo sa isa’t-isa eh may mga bagay na di nyo magawa ng sabay at dahil sa pagkamiss nyo sa isa’t-isa eh mas lalong titibay ang puso’t damdamin nyo. Di tulad ng malapitan na relasyon, may oras talaga na binabantayan ka ng girlfriend/boyfriend mo tapos kung makita kang may kasama kang iba eh magrereact to agad. Di pa to makikinig kahit na anong paliwanag mo. Pero may mga bagay talaga na mahirap din sa long distance relationship. Di natin alam baka may mabasa sya sa social networking sites mo oh baka naman magseselos sya sa lalake/babae na kasama mo sa picture mo, kahit kaibigan mo lang ito(PINAGPAWISAN NA AKO. SOBRANG INIT). Minsan, di ko talaga maisawang isip ang girlfriend ko na nasa Japan. Lalo na kapag ako’y nag-iisa sa kwarto. Sa susunod na taon pa kasi to babalik sa Pilipinas. Pero dahil sa sobrang mahal ko sya, eh titiisin ko ang aking pangungulila. Kung pwede lang hilingin sa langit na makita ko sya eh matagal ko na yung ginawa. Pero ayaw kong makita niya na ako’y nahihirapan sa aming sitwasyon, hangga’t maari, gusto ko gawing perpekto ang aming relasyon.(pwede pang flip-top.)

Yun na muna. Update ko nalang kayo ulit.. BABOOSH

Check-up

Nung nakaraang agosto 16, nagkaroon nanaman ako ng isa major check-up. kelangan ko nanamang harapin si doktora at isa-isahin kung ano ang nararamdaman ko.  As usual, nagising nanaman ako ng maaga at kumain ng agahan tapos naligo agad. Di ko mapaliwanag sa sarili ko kung ano ang nararamdaman ko. Ako ba’y ma eexcite dahil feel ko bumababa ang white blood cells ko, o kaya naman matatakot kasi baka tumaas nanaman ito. Well dahil ko talaga mainitidihan ang nararamdaman ko, eh ako’y naligo nalang agad. Iniisip ko sa sarili ko kung talaga bang gumagaling ako o baka naman lumalala lalo. Pag dating namin sa ospital eh agad namang nagbayad si ate sa cashier. Hinihintay namin tinawag ang pangalan ko nang may nakita akong napakagandang babae (Pero di ung babae ang story eh dba?). Back to the story na nga, nung tinawag na ang pangalan ko eh dali-dali namang nagbayad si ate sa cashier at dumerecho na agad kami sa laboratory. Kumuha ako ng priority number, eh wala palang nag hihintay, ako na pala agad. Nakita ako ng mga Med-Tech at kilalang-kilala na ako xD. Nung ako’y papunta na sa extraction area, eh ako namama’y nabighani sa ganda ng Med-Tech. Ewan ko kung ilang taon pa sya pero sobrang ganda. Ang galing pa kumuha ng dugo. Pagtapos ako kunan ng dugo eh punta agad kami sa opisina ng tatay ko. nakatulala kasi walang magawa.  Pagkatapos ng isa’t kalahating oras eh pwede na daw makuha ang results.

Ako:Bumaba Te?

Ate:OO, bumaba pero lampas sa normal

aguy, patay kang bata ka. Bumaba nga pero lampas naman sa normal. Mas madali akong magkakasakit nito(amf). Pinuntahan agad namin si doktora Gonzaga para ipaalam ang aking napaka-walang kwentang results. Nung pagdating namin sa clinic akala namin ay kami na agad ang magpapacheck-up, pero sa kasamaang palad pang walo pa kami. WTF. Ang daming tao i mean madami talagang tao. Pang walo? Waaaaaa! Ako’y nakatulala lamang sa loob ng clinic habang si ate ay nakikipag-usap sa sekretarya ni doktora. Sa totoo lang eh d talaga namin un kinakausap ni ate kasi mejo mataray pero himala, kinausap ni ate. wala atang choice ate ko kaya aun kinausap nalng nya. :)) Matapos ang dalawang oras na pag-hihintay, eh tinawag na din ang pangalan ko. Agad binigay ng sekretarya ni doktora ang resulta ng aking CBC.

Doktora:Oh bumaba sya pero lampas sa normal. Mas madali kang magkasakit.

Di ko nga din akalain na ito’y bababa kasi nagkalagnat ako dalawang linggo bago ang check-up. Nasobraan ata ako sa Hydroxyurea.(Gamot na iniinom ko ngayon pangotra sa leukemia)

Galing sa anim na capsules a day eh ginawa nalng lima ni doktora para naman daw maging normal ang status ng aking white blood cells. Pagkatapos ng Check-up ko, eh biglang dumating ang kapatid ko na umiiyak kasi akala nya may dengue sya. Bago namin pinuntahan ang iyakin naming kapatid eh kami muna’y kumain sa isang fastfood chain. Tinatawagan ni ate si shobe at tinatanong kung excited na ba raw sya sa kanyang unang COMPLETE BLOOD COUNT. “Wag ba kinakabahan na baya ako ha!” pasigaw na sagot ng aking matakuting kapatid. Pagkatapos naming kumain eh pinuntahan agad namin ang kapatid kong “MATAPANG” (kuno) agad naming tinawagan ang aming napaka-galing na driver na si kuya “KOLOKOY”. OO KOLOKOY ANG PANGALAN NYA. (you can call him BENJAMIN) pero kolokoy nalang para “COOL”. matapos ang ilang minuto eh dumating na rin si kuya Kolokoy.

Pag dating nanaman namin sa ospital, eh pinuntahan agad namin ang laboratory. Hinahanap namin kung meron pang Cadet na umiiyak sa loob, agad naman kaming lumabas kasi di namin makita kapatid namin. Bumalik kami sa dinaan namin at baka makita namin sila doon. At ayun! nakita nga namin ang kapatid ko. Namamaga ang mata dahil sa sobrang pangingiyak. Matapos ang CBC at CRYING LADY moment ng kapatid ko eh agad naman kaming bumalik sa opisina ni daddy. Naghintay nanaman ng isa pang resulta sa laboratory. matapos ang isa’t-kalahating oras nanaman eh nakuha na ni daddy ang resulta. At may nakita kaming nakakabaliw na “CHURVA” sa resulta ng test ng kapatid ko. Ayaw ko talaga basta Check-up day ko na. Nakakasira sa beauty sleep eh. Sorry kung mejo magulo ang blog ko ha? unang blog ko pa kasi to. Update ko nalng kayo next week or next month or next year basta kahit anong oras basta may next :)) BABOOSH