September 16,2010, bibisitahin ko nanaman si doktora para sa isang check-up. Nagising nanaman ako ng maaga para ihanda sarili ko sa check-up. Bago kami pumunta ni ate sa ospital eh, naligo muna ako. Malamang, sino bang tao ang hindi maliligo muna bago lumabas ng bahay, kadiri kaya yun. Matapos kong maligo, mag-sipilyo, mag-deodorant at kung ano pang ka-artehan eh agad na akong lumabas ng bahay para isuot sapatos ko kasi maiiwanan na ako ni Papa. Habang ako’y nasa kotse, iniisip ko sa sarili ko kung gumaganda na ba kondisyon ng katawan ko, pero nag-dadalawang isip talaga ako kasi parang may problema sa katawan ko pero wala naman akong nararamdaman na masama. Bago kami pumunta ng ospital eh hinatid muna namin si Papa sa kanyang opisina. Binigay samin ang CBC request para pwede akong kunan ng dugo. Matapos nun eh pumunta na kami agad sa ospital para sa Complete Blood Count, ALT, at Creatinine para sa aking kidney function. Pagkatapos nun eh agad kaming pumunta sa laboratory para sa aking blood extraction. Pagkatapos ng tatlong numerong tinawag, eh ako na pala sunod. Si ate Kathy ang kukuha ng dugo ko. Siya nanaman O_O siya nalang kasi kumukuha ng dugo ko lagi pag andun ako. Weird eh noh? parang personal Med-Tech. Tinanong niya ako kung kumusta na raw ako, sinagot ko lang naman din siya ng “OK lang po ako” napaka-laki kasi ng syringe na binunot nya sa ilalim. Di naman sa natatakot ako pero nabigla ako kasi ganun kadami ang kukunin niyang dugo sakin O_O. Matapos nyang lagyan nang hangin ung syringe, sinimulan na nyang pag-tusok sa aking machong braso. Napakadaming dugo nga ang nakuha sa aking braso. Nahalata kong malapot pa dugo ko kasi parang may namumuong bula mula sa loob ng syringe. Tatlong oras pa bago namin makuha ang resulta ng CBC, ALT, at Creatinine. Matapos nun ay tumambay nanaman kami ni ate sa opisina ni Papa. Habang kami’y nasa opisina, napag-pasyahan namin ni ate na magbasa nalang ng pahayagan para di mabagot sa loob ng opisina. Habang kami’y nag-babasa, narinig ko si Papa na inutusan ang pinsan ko para bumili ng Lumpia Shanghai at Pansit para sa aming pananghalian, pinagpasyahan kong sumama kasi wala talaga akong magawa sa loob ng opisina, agad kong kinuha ang aking sumbrero at naglakad palabas ng opisina. Grabe, di ko akalain na ganun pala kainit sa labas, pero andito na rin ako eh, ayoko nang bumalik, at least d ako mababagot dun sa opisina. Pag-dating namin dun sa restaurant eh agad naman inorder ng pinsan ko ung inutos sa kanya. Naupo kami sa lamesa malapit sa kahera. Habang naglalaro ako ng games sa cellphone ko eh bigla akong tinapik ng pinsan ko para tingnan ung bente na hawak nya. Ikinumpara namin ung bagong bente sa lumang bente, nahalata namin na mas maliit ung lumang bente. Di kaya peke un? =)) Eh sa sobrang talino ng pinsan ko eh kulang pala yung dala naming pera, kulang ng 80 pesos, agad naman siyang bumalik sa opisina at humingi ng kulang na pera. Matapos ng ilang minuto eh nakabalik na pinsan ko dala ang pera. Agad naming binayad sa kahera sabay labas agad sa kinatatayuan. Nung dumating kami sa opisina ni Papa eh nakita ko si ate na naka-upo sa harap ng lamesa ni Papa. Tinanong ko siya kung anong problema. Sinagot nya ako “nahulog ako sa upuan” wahahahaha!! Grabe laughtrip amp. Tinutukso ko si ate sa pagkahulog niya sa upuan kahit di ko nakita. Na-iimagine ko kasi kung ano itsura ng ate ko nung nahulog siya sa upuan. Wag na nga lang natin yun pag-usapan, pagalitan pa ako nun. Matapos ng tuksuhan namin ni ate, naisip niyang bumili ng DVD dun sa kabilang kanto. Ayaw pa nila ako isama kasi daw mainit sa labas, pero di ako nagpapigil at sumama talaga ako sa lakad. Nung kami ay naglalakad na, may bagay talaga na gumugulo sa isip ko sa mga oras na iyon. Di ko maintindihan kung ano meron sa isip ko. Siguro naiisip ko lang talaga ang nobya ko na nasa Japan. Talagang miss na miss ko na siya kasi hinahanap-hanap ko talaga ang yakap at halik niya. Balik sa DVD, narating na rin namin yung lugar kung saan binebenta ang mga pirated DVDs. Binili ni ate yung tatlong season ng GOSSIP GIRL, ano ba naman yan, hinding-hindi ko papanoorin yun kasi sa tingin ko eh pangit yung story ng series. Nung pabalik na kami sa opisina, eh naisip ko nanaman ang nobya ko, nararamdaman ko kasi dahil sa kanya eh nagkakaroon ng kabuluhan ang pag-laban ko sa sakit na leukemia. Alam ko rin na dahil sa kanya, malalampasan ko ‘tong pag-subok na to. Siya lang kasi ang taong nag-bibigay lakas sakin. Lagi niyang sinasabi sakin ang linyang “I’LL ALWAYS LOVE YOU” dahil dun lalo kong tinatanong sa sarili ko kung bakit ako susuko? eh meron naman taong nagbibigay halaga saken. Pag dating namin sa opisina, pinakain na kami agad ni Papa. Agad kaming kumain ng aming pananghalian. Matapos ang aming masarap na pananghalian, pumunta na kami agad sa ospital para kunin ang resulta ng aking mga test. Heto na, ang aking pinaka-hihintay na sandali. Pag dating namin sa laboratory eh agad naming binigay ung resibo para makuha ung resulta. Sa kasamaang palad eh TUMAAS nanaman, pero sabi ni doktora eh normal lang daw yun. Binago nanaman ni doktora ang schedules ng gamot ko. From Monday-Thursday 7 capsules a day ang schedule sa Friday-Sunday naman 6 capsules a day. Sana di tumagal ang maging normal na ako. Well, ito na muna 🙂 update nalng ulit.