Isa ito sa pinaka-mahirap na relasyon na pina-uso ng tao. Ewan ko ba kung bakit madaming couples ang sumasabak sa ganitong relasyon. Kaming dalawa ng ate ko ay kasama sa madaming tao na sumasabak sa isang LONG DISTANCE RELATIONSHIP. Ano nga ba ang kailangan para tumagal ang isang LDR? TIWALA at PAGMAMAHAL ang kailangan, kasi kahit gaano man kalayo yung minamahal mo, kahit isa kontinente pa ang pagitan nyo eh, parang d na rin yun malayo dahil kayo’y nagmamahalan sa isa’t-isa at ang pagmamahalan nyo ang tulay para maging isa ulit ang puso nyo. Pero di talaga mawawala sa atin ang pagka-miss ng ating minamahal. Nung una eh d ako sanay sa isang LDR kasi mabilis akong nakakamiss ng isang tao, lalo na kung ito’y importante sakin. Nasanay kasi ako na nasa isang siyudad lang kami ng girlfriend ko, pero ngayon, iba na. Buti pa si ate, kasi nakakapunta dito samin boyfriend nya. Taon-taongย  pumupunta ang boyfriend ng ate ko samin para lang bisitahin si ate. napaka-laki ng effort na ginagawa ng boyfriend ng ate ko kasi nagtatrabaho pa sya para lang makabili ng plane ticket. Sana magagawa ko rin yan kaso d nga ako pwede magtrabaho at di rin ako pwede lumabas ng bansa mag-isa. Sa ngayon eh sa emails lang kami nag-uusap ng girlfriend ko. Kahit gaano man raw sya ka-busy eh naghahanap talaga sya ng oras para lang makareply sa emails ko. (sweet noh?) Sa ngayon eh hinhintay ko ang reply nya sa email kaya naman naisipan kong gumawa ng blog tungkol sa Long Distance Relationship. Mejo matagal kasi yun nakakareply sa mga emails ko kasi busy sya sa school works. Pero kahit matagal, eh kaya ko naman hintayin kasi alam ko kung gaano sya ka busy sa kanyang gawain(di lang ako ang prayoridad nya.).

Kung ako ang tatanungin nyo eh mas pipiliin kong tumagal sa isang Long Distance Relationship kesa sa malapitan na relasyon, kasi dahil sa layo nyo sa isa’t-isa eh may mga bagay na di nyo magawa ng sabay at dahil sa pagkamiss nyo sa isa’t-isa eh mas lalong titibay ang puso’t damdamin nyo. Di tulad ng malapitan na relasyon, may oras talaga na binabantayan ka ng girlfriend/boyfriend mo tapos kung makita kang may kasama kang iba eh magrereact to agad. Di pa to makikinig kahit na anong paliwanag mo. Pero may mga bagay talaga na mahirap din sa long distance relationship. Di natin alam baka may mabasa sya sa social networking sites mo oh baka naman magseselos sya sa lalake/babae na kasama mo sa picture mo, kahit kaibigan mo lang ito(PINAGPAWISAN NA AKO. SOBRANG INIT). Minsan, di ko talaga maisawang isip ang girlfriend ko na nasa Japan. Lalo na kapag ako’y nag-iisa sa kwarto. Sa susunod na taon pa kasi to babalik sa Pilipinas. Pero dahil sa sobrang mahal ko sya, eh titiisin ko ang aking pangungulila. Kung pwede lang hilingin sa langit na makita ko sya eh matagal ko na yung ginawa. Pero ayaw kong makita niya na ako’y nahihirapan sa aming sitwasyon, hangga’t maari, gusto ko gawing perpekto ang aming relasyon.(pwede pang flip-top.)

Yun na muna. Update ko nalang kayo ulit.. BABOOSH

Advertisements