Archive for August, 2010

Long Distance Relationships

Isa ito sa pinaka-mahirap na relasyon na pina-uso ng tao. Ewan ko ba kung bakit madaming couples ang sumasabak sa ganitong relasyon. Kaming dalawa ng ate ko ay kasama sa madaming tao na sumasabak sa isang LONG DISTANCE RELATIONSHIP. Ano nga ba ang kailangan para tumagal ang isang LDR? TIWALA at PAGMAMAHAL ang kailangan, kasi kahit gaano man kalayo yung minamahal mo, kahit isa kontinente pa ang pagitan nyo eh, parang d na rin yun malayo dahil kayo’y nagmamahalan sa isa’t-isa at ang pagmamahalan nyo ang tulay para maging isa ulit ang puso nyo. Pero di talaga mawawala sa atin ang pagka-miss ng ating minamahal. Nung una eh d ako sanay sa isang LDR kasi mabilis akong nakakamiss ng isang tao, lalo na kung ito’y importante sakin. Nasanay kasi ako na nasa isang siyudad lang kami ng girlfriend ko, pero ngayon, iba na. Buti pa si ate, kasi nakakapunta dito samin boyfriend nya. Taon-taong  pumupunta ang boyfriend ng ate ko samin para lang bisitahin si ate. napaka-laki ng effort na ginagawa ng boyfriend ng ate ko kasi nagtatrabaho pa sya para lang makabili ng plane ticket. Sana magagawa ko rin yan kaso d nga ako pwede magtrabaho at di rin ako pwede lumabas ng bansa mag-isa. Sa ngayon eh sa emails lang kami nag-uusap ng girlfriend ko. Kahit gaano man raw sya ka-busy eh naghahanap talaga sya ng oras para lang makareply sa emails ko. (sweet noh?) Sa ngayon eh hinhintay ko ang reply nya sa email kaya naman naisipan kong gumawa ng blog tungkol sa Long Distance Relationship. Mejo matagal kasi yun nakakareply sa mga emails ko kasi busy sya sa school works. Pero kahit matagal, eh kaya ko naman hintayin kasi alam ko kung gaano sya ka busy sa kanyang gawain(di lang ako ang prayoridad nya.).

Kung ako ang tatanungin nyo eh mas pipiliin kong tumagal sa isang Long Distance Relationship kesa sa malapitan na relasyon, kasi dahil sa layo nyo sa isa’t-isa eh may mga bagay na di nyo magawa ng sabay at dahil sa pagkamiss nyo sa isa’t-isa eh mas lalong titibay ang puso’t damdamin nyo. Di tulad ng malapitan na relasyon, may oras talaga na binabantayan ka ng girlfriend/boyfriend mo tapos kung makita kang may kasama kang iba eh magrereact to agad. Di pa to makikinig kahit na anong paliwanag mo. Pero may mga bagay talaga na mahirap din sa long distance relationship. Di natin alam baka may mabasa sya sa social networking sites mo oh baka naman magseselos sya sa lalake/babae na kasama mo sa picture mo, kahit kaibigan mo lang ito(PINAGPAWISAN NA AKO. SOBRANG INIT). Minsan, di ko talaga maisawang isip ang girlfriend ko na nasa Japan. Lalo na kapag ako’y nag-iisa sa kwarto. Sa susunod na taon pa kasi to babalik sa Pilipinas. Pero dahil sa sobrang mahal ko sya, eh titiisin ko ang aking pangungulila. Kung pwede lang hilingin sa langit na makita ko sya eh matagal ko na yung ginawa. Pero ayaw kong makita niya na ako’y nahihirapan sa aming sitwasyon, hangga’t maari, gusto ko gawing perpekto ang aming relasyon.(pwede pang flip-top.)

Yun na muna. Update ko nalang kayo ulit.. BABOOSH

Check-up

Nung nakaraang agosto 16, nagkaroon nanaman ako ng isa major check-up. kelangan ko nanamang harapin si doktora at isa-isahin kung ano ang nararamdaman ko.  As usual, nagising nanaman ako ng maaga at kumain ng agahan tapos naligo agad. Di ko mapaliwanag sa sarili ko kung ano ang nararamdaman ko. Ako ba’y ma eexcite dahil feel ko bumababa ang white blood cells ko, o kaya naman matatakot kasi baka tumaas nanaman ito. Well dahil ko talaga mainitidihan ang nararamdaman ko, eh ako’y naligo nalang agad. Iniisip ko sa sarili ko kung talaga bang gumagaling ako o baka naman lumalala lalo. Pag dating namin sa ospital eh agad namang nagbayad si ate sa cashier. Hinihintay namin tinawag ang pangalan ko nang may nakita akong napakagandang babae (Pero di ung babae ang story eh dba?). Back to the story na nga, nung tinawag na ang pangalan ko eh dali-dali namang nagbayad si ate sa cashier at dumerecho na agad kami sa laboratory. Kumuha ako ng priority number, eh wala palang nag hihintay, ako na pala agad. Nakita ako ng mga Med-Tech at kilalang-kilala na ako xD. Nung ako’y papunta na sa extraction area, eh ako namama’y nabighani sa ganda ng Med-Tech. Ewan ko kung ilang taon pa sya pero sobrang ganda. Ang galing pa kumuha ng dugo. Pagtapos ako kunan ng dugo eh punta agad kami sa opisina ng tatay ko. nakatulala kasi walang magawa.  Pagkatapos ng isa’t kalahating oras eh pwede na daw makuha ang results.

Ako:Bumaba Te?

Ate:OO, bumaba pero lampas sa normal

aguy, patay kang bata ka. Bumaba nga pero lampas naman sa normal. Mas madali akong magkakasakit nito(amf). Pinuntahan agad namin si doktora Gonzaga para ipaalam ang aking napaka-walang kwentang results. Nung pagdating namin sa clinic akala namin ay kami na agad ang magpapacheck-up, pero sa kasamaang palad pang walo pa kami. WTF. Ang daming tao i mean madami talagang tao. Pang walo? Waaaaaa! Ako’y nakatulala lamang sa loob ng clinic habang si ate ay nakikipag-usap sa sekretarya ni doktora. Sa totoo lang eh d talaga namin un kinakausap ni ate kasi mejo mataray pero himala, kinausap ni ate. wala atang choice ate ko kaya aun kinausap nalng nya. :)) Matapos ang dalawang oras na pag-hihintay, eh tinawag na din ang pangalan ko. Agad binigay ng sekretarya ni doktora ang resulta ng aking CBC.

Doktora:Oh bumaba sya pero lampas sa normal. Mas madali kang magkasakit.

Di ko nga din akalain na ito’y bababa kasi nagkalagnat ako dalawang linggo bago ang check-up. Nasobraan ata ako sa Hydroxyurea.(Gamot na iniinom ko ngayon pangotra sa leukemia)

Galing sa anim na capsules a day eh ginawa nalng lima ni doktora para naman daw maging normal ang status ng aking white blood cells. Pagkatapos ng Check-up ko, eh biglang dumating ang kapatid ko na umiiyak kasi akala nya may dengue sya. Bago namin pinuntahan ang iyakin naming kapatid eh kami muna’y kumain sa isang fastfood chain. Tinatawagan ni ate si shobe at tinatanong kung excited na ba raw sya sa kanyang unang COMPLETE BLOOD COUNT. “Wag ba kinakabahan na baya ako ha!” pasigaw na sagot ng aking matakuting kapatid. Pagkatapos naming kumain eh pinuntahan agad namin ang kapatid kong “MATAPANG” (kuno) agad naming tinawagan ang aming napaka-galing na driver na si kuya “KOLOKOY”. OO KOLOKOY ANG PANGALAN NYA. (you can call him BENJAMIN) pero kolokoy nalang para “COOL”. matapos ang ilang minuto eh dumating na rin si kuya Kolokoy.

Pag dating nanaman namin sa ospital, eh pinuntahan agad namin ang laboratory. Hinahanap namin kung meron pang Cadet na umiiyak sa loob, agad naman kaming lumabas kasi di namin makita kapatid namin. Bumalik kami sa dinaan namin at baka makita namin sila doon. At ayun! nakita nga namin ang kapatid ko. Namamaga ang mata dahil sa sobrang pangingiyak. Matapos ang CBC at CRYING LADY moment ng kapatid ko eh agad naman kaming bumalik sa opisina ni daddy. Naghintay nanaman ng isa pang resulta sa laboratory. matapos ang isa’t-kalahating oras nanaman eh nakuha na ni daddy ang resulta. At may nakita kaming nakakabaliw na “CHURVA” sa resulta ng test ng kapatid ko. Ayaw ko talaga basta Check-up day ko na. Nakakasira sa beauty sleep eh. Sorry kung mejo magulo ang blog ko ha? unang blog ko pa kasi to. Update ko nalng kayo next week or next month or next year basta kahit anong oras basta may next :)) BABOOSH